Sila Man Ay May Toyo


May mga tao talaga na mahilig mang torture. Mahilig mang asar, mambola, mangulit. ‘Di sila tumitigil hangga’t kaya nilang mang badtrip ng kapwa nila tao. Hindi man nila sinasadya, magiging asar pa din sila sa’yo.

Bakit nga ba ganon? Dahil ba masaya sila sa nakakapagpabagabag na lagim nilang ugali? (siguro)

Dahil ba mahilig lang talaga silang manggulo ng tao? (malamang-lamang)

Baka naman kasi gusto lang magpapansin…

Hindi mapipigilan ang iba’t ibang klase ng ugali ng tao. Siguro naiisip ito ng bawat isa dahil hindi nila ugali at hindi nakasanayan na gawin ang mga ito. Ngunit tayo ba, kung gagawa tayo ng kinasasaya natin, naiisip ba natin ang mararamdaman ng iba? Madalas hindi. Basta nakaugalian natin, gagawin na natin. Hindi natin iniisip kung nakakasama ba ang mga ito para sa iba. Tayo din ay makulit, magulo, baliw sa paraan na tayo lang ang nakakagawa.

Pero dahil dun, may mga nagkakagusto sa atin ng higit pa sa ugali natin. Hindi sila nagrereklamo kung sino tayo dahil sila man ay may toyo. Intindihin nalang natin ang bawat isa. Mahirap gampanan ang sariling papel sa mundo ngunit ito ang nagiging dahilan para maging tangi tayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s