Salamat? Salamat saan?


Ayaw ko maglakad. Actually yun ang pinaka ayaw ko sa lahat. Kaya palagi ako naka longboard. Or palagi akong naka bus. Kahit isang stop nga lang binu-bus ko pa. At pinaka ayaw ko sa lahat, maglalakad na nga ako, nagcacramming pa ako kasi late na tas yung bus na sasakyan ko para sa kabilang stop lang e dumating na. Tsaka pa magdadabog pag hindi naabutan kasi aantayin ulit yung sumunod (na umaabot ng 15 hanggang 20 mins ang tagal). Pambihirang bus yan. Isa na nga lang e.

Ang hindi ko alam, kaya ako pinapalakad dahil may paa pa ako para maglakad. (Clichè pero may sense.) May lakas pa yung binti ko para tumakbo papuntang bus. May tibay pa para magbuhat ng bag.

Yung paa ko ang halos araw-araw gumagawa ng mga bagay-bagay na hindi ko namamalayan napaka importante sa buhay ko. Nararating ko ang school pero ang iniisip ko yung pagod ko at hininga ko na hindi matigil-tigil sa kakahabol ng secosecondong ihip at buga dahil late na. Minsan hindi na natin naiisipan magpasalamat dahil sa mga bagay na nagpapahirap sa atin. Pero ang totoo, may pakinabang sa atin.

Hindi lang sa paa or kung ano mang parte ng katawan natin ang dapat natin pagpasalamatan.

 

Ang pamilya natin kung saan sila ang:

  •  nagpapatibay
  •  nagpapakita na may kasama pa tayo sa buhay
  •  nagiging gabay
  •  kahit malayo sila or malapit alam natin na may parte pa din tayo sa kanila.

 

Ang pag aaral na malimit may tinatagong pagrereklamo dahil sa madaming projects assignments or mga test:

  •  nagpapahaba ng pasensya natin
  •  nagiging source ito para maging maganda ang buhay kinabukasan
  •  natututo tayong maging responsable lalo na sa sarili natin.

 

Sa trabaho:

  •  malaki or maliit man yung sweldo basta nabubuhay ka at least meron ka.
  •  kung bibigyan ka ng mas magandang trabaho, yun ay dahil kaya  mong gawin ang mahirap para ma deserve ang mas madali.

 

Hindi man ganoon ang pag papahalaga natin sa mga maliliit na bagay na ito sa ating buhay ngunit nakakatulong ang bawat aspeto para lumago tayo sa pang araw-araw nating buhay. At higit sa lahat, pasalamatan natin ang Panginoon hindi lang sa magagandang bagay kundi pati na sa mga bagay na hindi natin inaasahang nakakatulong sa atin.

 

Bible Verses


1 Thessalonians 5:18

18 in everything give thanks. For this is God’s will for you in Christ Jesus.


Philippians 4:6

Don’t worry about anything; instead, pray about everything; tell God your needs, and don’t forget to thank him for his answers.


1 Chronicles 16:34

34 Give thanks to the Lord, for he is good
and his loyal love endures.


Psalm 106

Praise the Lord! Give thanks to the Lord, for he is good, and his loyal love endures!


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s